Pangyayari sa araw ng Linggo

Magandang araw, Hiveans! Narito naman ako sa komunidad na ito upang magbahagi ng kwento gamit ang Tagalog na lengwahi ng Pilipino. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa sa blog ko ngayon.

Picture1.jpg
Wala naman talagang kababalaghan ang araw na ito. Isa lang din naman ito sa ordinaryong araw. Sa umaga, nagluto ang asawa ko nang kanin at bumili ng ulam sa labas para sa aming agahan. Pagkatapos, inihatid na niya ako sa simbahan, mabuti at hindi ako na-late kasi nadatnan ko pa ang ang “entrance song” ng misa. Nang tapos na ay sinundo naman ako ng asawa ko sa simbahan at agad naman kaming pumunta sa palengke para mamili ng pagkain para sa aming tanghalian at hapunan. Nasa mood akong magluto sa araw na ito.

Dahil maaga pa para magluto ng tanghalian, natulog muna ako. Hindi ko akalain na habang natutulog ako, busy na pala ang asawa ko sa kanyang gamit sa musika. Naisipan na naman niyang linisan ang bagay na nasa larawan. Minsan namamangha ako sa asawa ko kasi ang daming parte ang gamit na iyan at ang taas ng pasensya niya para intindihin lahat iyan. Siguro kapag hilig mo talaga, hindi ka madaling mainip at mapagod sa ginagawa mo.

Pagkagising ko at kinuha ko ang cellphone niya upang kumuha ng litrato para sa blog na ito.

Ito lang muna ang aking kwento.

Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.
Sinulat ni: Maureen S. O
Mga larawan ay pagmamay-ari ng aking asawa at edited sa PowerPoint

maureen.gif



0
0
0.000
4 comments
avatar

Totoo yang kapag hilig mo, gaano man kahirap, magagawa at matatiyaga mo talaga.

0
0
0.000